Friday, August 26, 2011

Masakit e, masakit talaga e.

Masakit lang sa kalooban na hayun, underhanded ang ginawang tactics ng iba diyan.

Alam niyo yung pinipilit na manalo? Grabe talaga e.
Ito kasi yun e, sabi nga ni Ma’am V (chiklet) “Filipino Teacher namin” na ganito ang criteria. Nalaman namin nung 1 week before the presentation lang na ayun, mali kami. Hydro lang yung tama. It just so happened that si Ma’am Q, sa Hydro lang sinabi ang tamang criteria or whatnot. Tsk tsk, ta’s si Ma’am V naman, defensive masyado tas ito pa ah, bastusin ba naman yung parent ng kaklase namin? Sige nga, hindi ba kayo masasaktan ‘pag nakita mo ang nanay mo, binabastos ng teacher mo? Masasaktan ka di ba?! Syempre. Nanay mo yun e, malakas yun sa iyo e tas gaganun ganunin lang. Langya talaga oh, BV. Kung yung tono ba naman, di kanais-nais.“Isyu ba ‘to?” kamo. Tsk tsk. :|

image



Paano namin mapapalitan ang lahat lahat? E dapat polishing na nga lang e. AKFJAA
Kabanas! Tapos sabi ni Ma’am V, optional na raw. Wag na raw baguhin, edi hayun. Di na namin binago kasi sabi niya, okay na yun e. Ta’s maya maya, sasabihin ng isa sa mga hurado na bakit di namin sinunod ang lecheng criteria na yan. Sinabi niya na pwede e, pwede daw talaga e tas salkgjsdklg. Ngayon naman, ayaw niyang tanggapin na mali ang sinabi niya samin (referring to V). Mamaliitin niya kami at ipapahid sa aming mukha na mas makapangyarihan siya kasi siya yung guro. Bakit? Porke’t mas matanda ka, ikaw na palagi ang tama? Wag po sanang ganyan ang mindset. Mali yan e. Pagkakamali mo yun e, bakit porke’t bata lang kami in your perspective, tataasan mo na ang pride mo at magpapaka-denial ka kasi ikaw ang nakakatanda? Yes, inirerespeto ka namin pero sana inirerespeto mo rin kami. Tas si Ma’am Q naman nakabantay samin habang nagrereklamo kami along with my friend’s mom. Tuloy, di kami makapag-voice out. :’|

image


Oo, isyu yun. Malaking isyu! Grades namin ang nakasalalay dito e. Pinaghirapan namin yun e. Sige, pwede niyo ring isipin na maliit na bagay lang iyon or whatnot pero c’mon, isipin niyo lang yung ginastos mong oras at pera para doon? Dapat fair and square, hindi yung gusto mo lang manalo ang mananalo. Kung sino ang ihahandle mong klase, yun ang magiging panalo, di patas e. Seryoso, marami talagang deserving na section e. Nakakainis! Ugh.

image


60% voice my ass, yung sinecond place niyo ba, jinudge niyo yung voice?
Bawal gumamit ng audio ish este recorded na background music. So sila lang pwede? Pati boses na, ha? Grabe talaga, si Ma’am Q pa adviser nila edi alam na.
E puntahan ba naman ni adviser ang mga hurado at magbulong ng [alam niyo na]. Hindi fair di ba? Hindi talaga e. Siguro pwede niyo na ring isipin na mababa ang kinaiiyakan namin pero masakit talaga e. Mahirap tanggapin e. Siguro matatanggap pa namin kung ang talagang deserving ang mananalo kahit di kami ang manalo okay lang naman talaga e pero yung mangyari iyun. Ewan, iba na talaga e. Ang saklap lang, ang pangit isipin pero palagi na lang ito nangyayari e. Kelan ba ito matatapos? Nakakabanas na talaga, pramis.

Take Note: Kung mababasa mo ito, ipinagkakatiwalaan kita dito. Wag po sanang ikalat or dibdibin kung natamaan ka kahit alam mong di ako nananadyang mantama. Nasaktan lang, so yun. :) Thank you. :D

No comments:

Post a Comment